f: 10.05: 10.11 BEWARE! Contagious: kung anu-ano... |
Ngayong araw na ito, naramdaman ko talaga na magkakalapit kami. Parang nawala ang harang. Hahaha!
Pero hindi iyan ang pag-uusapan ko ngayon. Hahaha. ;-)
Wala pa rin si Varr. Gumaling ka kaagad!
Nakarating ako sa silid-aralan ng mag-aalas syete y medya na. Hay. Buti na lang at nakaabot pa ako.
Hindi ko alam na may misa pala ngayon. Hahaha. Dinala ko ang libro ko sa Matematika bilang pamaypay. (Noong klase ng Filipino ko lang nalaman na mas mabisang pamaypay ang student planner. Hahaha!) Sayang nga lang na nasira ang pamaypay kong gumagamit ng dagitab. (Haha! naaliw lang ako sa salitang dagitab! Hahaha!)
.-.
Hay. Nag-ensayo kami sa may canteen pagkatapos ng mentoring. Hahaha.
Wala lang.
Pagkarating namin sa patio, nine-nyerbyos na ako. Hahaha.
Pero cool pa rin.
Nakakainis talaga! Nagkamali pa kasi ako:
Sino ba ang nakarinig ng salitang buhOt?
Kasi naman! Dapat BUHAT. Hahahahahaha! Hayz.
May nakalimutan din akong linya.
At nakalimutan ko ang aking pagpasok kaya kinailangan kong ayusin nang kaunti.
DI LANG YAN... MAYROON PA!
Bulol na bulol na bulol ako. AGGGGHHHH!!!
Alam ko ring NAPAKAhina ng boses ko tuwing nagsasalita ako nang normal. Nakakainis.
Buti na lang hindi ako napiyok. Hahaha. Inaabangan ko na talaga iyon kahapon pa lang. Di ko alam kung bakit. Hahaha.
(Naaaliw at naiilang ako tuwing sumisigaw ako tapos umaalingawngaw boses ko sa tennis court. Hahahahahahahaha!)
Salamat sa Diyos na pwede na ang kinalabasan. Hahaha! Sayang lang at hindi siya "sobrang pwedeng-pwede." Naplantsa sana namin. Hahaha.
Masaya na rin ako. Naramdaman ko ulit ang kaligayahan ng pagtatanghal. Hahaha.
Hindi man kasinggrabe ng pagka-"high" ko sa Duwa, pwede na rin. Hahaha.
Ibig sabihin nito, na-mi-"miss" ko lang ang Hulugan. Hay.
Uy. Sana magkatotoo ang panloloko namin kay Karl:
TRUWA. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
Pero pwede rin naman siyang tawaging Duwa Duwa. Hahaha.
Sa panaginip lamang. Hay.
Naaliw nga pala ako sa madla! Napakalaki ng pagkakaiba! Ang galing nila!
.-.
Oo. Nagulat din ako. Hindi ko talaga alam...
...na Nobyembre na ipapalabas ang aming dula. Hahaha.
Iyon nga. Inihahandog ng Stage FX ang
ANG DIGMAANG TSOKOLATE.... este
THE CHOCOLATE WAR
Nob. 9, 10, 16 at 17.
Pagkabalik na balik mula sa Sem Break. Weee!
Siya nga pala.... abangan ninyo ang pagpapatuloy ng
Ang Paglilitis ni Mang Serapio. Hahahaha! (sana)
best viewed on http://dewerants.blogspot.com/
2 reps.:
halos wala akong naintindihan! hahaha.
anyway, what's dagitab?
OMG! What has Canada done to you??
Buti pa si CJ, he understood this one even if he barely understands Filipino. Hahaha! Jowk. :D
dagitab = kuryente
...
maybe it's because you didn't know that I was talking about
BIGKAS! Poetry Showcase.
StageFX performed an "excerpt" of Ang Paglilitis ni Mang Serapio. Hahaha. I was in it.
Post a Comment