niyebe sa daan

Saturday, November 29 at 10:32 PM

Christmas

Kani-kanila lamang (sa katotohanan, hindi naman talagang kanina. hapon pa nga eh), ikinataka ko and mabilis na pagdilim ng alapaap.
Alas kwatro pa lang kasi.

Pasko na nga talaga.

Kung anu-ano na ang pinagkakaabalahan ko para sa Pasko--Starbucks planner, Christmas gifts, atbp--ngunit noon lang siya pumasok sa aking isipan. Pasko na pala.

Ngayon ko lang naramdaman ang pagdating ng panahong talagang hinihintay-hintay ko parati. Christmas spirit, ika nga.

Bakit kaya?
Sa pagtanda marahil. Tila nababawasan na ang kaligayahang nararamdaman ko sa paglipas ng bawat Pasko.

Noong bata pa ako, ang parati kong hinihintay ay ang pagpapasa-pasa ng mga regalo at ang pagbukas nito. Palagi kasing masaya. Sa pagbigay. Sa ngiti ng lahat ng mga tao. Sa pagbukas ng regalong hiniling ko/hindi ko inaasahan.

Ngayon, hindi ko na iyon hinihintay.
Marahil sa di-pagkakuntento? Hindi na kasi ganoon ka-exciting.
Sa pagtanda, maturity?
Para bang pilit nitong sinasabi: "Hoy! Tumanda ka nga! Sagutin mo ang tanong ko: what is the true meaning of Christmas?"

Corny pero totoo.
Iyan ang tanong na bumabagabag sa aking isip. Lalo na ngayong pilit kong ginagawa ang tila imposible. Lalo na ngayong watak-watak na ang isang maligayang tradisyon. Isang maalab na gunita. Isang masayang pamilya.

Alam mo, malapit na ang Disyembre, wala pa kaming Christmas decor dito sa bahay, wala pang Christmas tree. (Maliban lamang sa parol na nakasabit na noon-noon pa.)
Kaya siguro nalilimutan kong panahon na ng Kapaskuhan.

Saka ko lang ito naalala... noong naglalagay ng Christmas tree ang tutor ko sa bahay niya. Nainggit ako. Pero may pumukaw sa aking damdamin.
Nasiyahan ba.

Iyon yata ang 'saktong sandaling naalala kong magpapasko na.
Maligayang Pasko! :D

(Grabe naman... ang emo ko. Di kaya... ang tanda ko na!)

In other news, Christmas shopping today was a fail.
At least, I got ideas. :D

0 reps.: