the clown and the geisha

Friday, September 28 at 9:10 PM
A-day
Super Stressed!f: 9.28: 10.00
BEWARE! Contagious: Elliott Yamin...

wow. it's been a long time since i used that icon. hahaha.

grabe. nainis talaga ako sa a-day.
hindi naman sa abuong araw. nagustuhan ko naman ang programa sa gym. hahaha.

naiinis lang kasi talaga sa mga kamag-aral ko dahil para bang araw nila ito.
appreciation day nga diba?

kung gaano ako talaga ako nagalit sa klase noong sabayang pagbigkas sa ingles, talagang gusto kong magalit ng todo-todo pa roon. kasi naman, iisang araw na lamang para sa mga titser, ninanakaw pa ang mga premyo. dinumi-dumi pa naman ang buong silid nang hindi man lang tumulong sa paglinis.

pero mas nainis ako sa isang gawain namin. dapat sana bubuo kami ng bilog at sabihin kung anuman mensaheng nais ipaabot. pagkatapos, nung binigay na ang mga panuto, biglang kalahat ng klase umalis ng silid. kapat nama'y nagkumpul-kumpol kung saan-saan. ito na nga kasi ang tsansa upang sabihin natin kung gaano sila kaimportante sa buhay natin tapos biglang mag-wo-walk out. dun talaga ako nainis.

sinabi ko na lang sa sarili ko. lilinisin ko na lang ang silid para mawala ang inis ko. nawala nga nang kaunti, ngunit noong bumalik na sila ng silid, talagang gingulo-gulo ang tambak ng basurang kinokolekta ko sa gitna na nagmula sa kagilid-giliran ng classroom at kailailaliman ng mga upua't mesa. naks.

natawa naman ako sa programa nila. may mga bahaging na-bore ako pero pwede na rin. masaya ako na sa kay liit na saglit na iyon, nawala nang kaunti ang pagkainis ko sa klase. hayz.

best viewed on http://dewerants.blogspot.com

1 reps.:

Unknown said...

i've never heard of tsansa in my life. hahaha. di kaya pagkakataon?

anyway, sigurado akong matutuwa ang mga guro sa iyo kung alam lang nila kung gaano mo sila kamahal... uh, you get what i mean. hahaha. kita naman sa mga ginawa mo noong araw na iyon. :D