isang dangkal. isang patay.

Wednesday, April 23 at 11:23 PM
MacArthur

Wow. Natapos ko na ang libro sa loob ng 2 oras. MacArthur ni Bob Ong.

Bob Ong, ang misteryosong may-akda ng ABNKKBSNPLAko, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang Pilipino?, Ang Paboritong Libro ni Hudas, Alamat ng Gubat at Stainless Longganisa.

Ang lahat ng mga ito ay may elemento ng komedya. Kungkayat kakaiba ang MacArthur sapagkat hindi ito nakakatawa maliban na lamang sa iilang mga kabalintunaan.

Grabe. Napakalalim ng akda. Talagang pang-required reading.

Kung iyakin lang talaga ako, umiyak na siguro ako. Ganoon din kalakas ang tensyon at drama sa kwento.


Kung may guro ng Filipino na nagbabasa nito, inimumungkahi ko talagang ipabasa ito sa mga mag-aaral ninyo. (Kung magamit nga ito, wow! Book 2 na matapos ang Vicassan.)

0 reps.: