Manhid... Pagod

Monday, October 2 at 9:11 PM
la lang...10.2: 9.52
i.ve got Irreplaceable by Beyonce Knowles... what's in your head?



Haha...
Marami ako sanang ikukwento sa inyo dahil maraming nangyari at ngunit nawalan ng kuryente noong nakaraang huwebes kaya hindi ako nakapag-blog.
Hahaha... Tuwid ang pagsusulat ko sa pinakadalisay na wika ng Filipino.
Dahil marami ang nagyari, ikukwento ko na lang ang aking mga naalala...

KUNG BAKIT NAKARARAGDAG SA KAWALAN NG TULOG ANG KAWALAN NG KURYENTE
hmmm.... Dahil walang kuryente, hindi gumana ang electric fan o ang aircon kaya hindi ako nakatulog. Noong Huwebes ng gabi, natuog na ako ng 12+ ngunit nagising ako nang 3+ at muli nang nakatulog nang 6-7 hanggang sa 10. Kung susumahin mo ito, nasa may pitong oras lamang ang aking tulog. Kung may kuryente sana, makakabawi ako ng tulog dahil magigising ako ng alas dose ng hapon. Sa gabi naman ng Biyernes, nakatulog na ako ng 10, nagising ng 11, nakatulog ng 1, nagising ng 3, nakatulog ng 5, nagising ng 9. Ang total nito ay 7 oras ng tulog. HAY, BUHAY! NAgkaroon lamang kami ng kuryente noong gabi ng Sabado. Pumunta kami sa bahay ng aking pinsan para makagawa ako ng takda. Doon sana kami matutulog kung wala pang kuryente sa kinagabihan ng Sabado. Kinailangan kong mag-cram ng takda dahil ang oras sana para sa paggawa nito ay nabawasan dahil sa kawalan ng dagitab.

CHEMISTRY
Ang aralin namin ngayon sa agham ay chemistry. Sataong ito, napalitan ang aking desisyong tawaging boring ang chemistry. Naiinis kasi ako sa mababang paaralan tuwing ang aming aralin ay tungkol sa matter. Pero ngayon, ang "Statue of Liberty" at ang "Plaster Thinggie" ay nakatulong sa pawawaksi ng idea kong ito. Ngunit dumating muli ang pagkainip nang panoorin namin ang isang makalumang pelikula. HAY...

Marami pa ang naganap ngunit naklimutan ko na ito. Nilalagay ko ang sala sa kamay ni MILENYO dahil nakalimutan ko na ang sana'y makukulay na kuwento ng aking buhay. hayy... makaalis na nga upang maisaulo ko na ang mga linya ko para sa produksyon ng StageFX at para maisaulo ko na ang dalawang piraso ng panitikan para sa mga pagsusubok namin sa Tsino.

Quote:

To Kim Ravelo:
"You'll never see the true beauty of the world till you accept that you're ugly..."
wahhahaha!

For the first time:
"Shut the fuck up!"

0 reps.: