10.6: 11.42 i.ve got RnB Senti Songs (Without You, Tender Love, Weak, etc)... what's in your head? |
Bago ko itala ang aking buhay, nais ko po laman sabihin na ginagamit ko na ang Blogger BETA... Ano toh? Dinaragdag nito sa normal na blogger ang mas maraming mga gawain. Halimbawa, meron na po itong Pribadong Pag-blog, Tags/Labels, atbp. :)
Hehe...
Oki lang ang araw, grabe! Haha! Puno ng tawa. Wala na talga akong kamalasan. Hihi.
Noong nakaraang 3 blog, Filipino, ang 2, Ingles, ang nahuli, Taglish.... Kaya ngayon naman, Filipino ulit... :)
Sa umaga, patulog-tulog pa rin ako ngunit naiba ito nanag nakarating na ako sa silid-aralan. Sa umaga, wala akong ginawa... Nagpakabaliw lang... Usi dito, Pakialaam doon, pagsabi ng walang diwang salita riyan, atbp. Sa kahuli-hulian, ginawa ko ang aking talasalitaan sa Filipino. Ang unang asignatura ay Filipino. Bagamat tila marami ang pagkakamali ko sa pagsubok, wala pa rin akong pagsisisi. Ang sumunod ay Tsino. Nagkarron kami ng patimpalak at kami ang nanalo kaya may incentive kami sa marka namin sa class standing! YAHOO! Haha... Nagkaroon kami ng kainan ngunit may kaunting kamalasan nga lang na nangyari sa akin: nahulugan ako ng C2... haha! Oki lang! Ganyan ang buhay... Pagkatapos ng Tsino ay Agham Pansosyal... HAHA! Pagakatapos nito ay Merienda at Agham! Laugh-trip talaga ang Merienda at Agham. Dahil may mouthpiece na si Varrick, pinapasabi naman sa kanya ang ilang salita na nagbabakasakaling magkakaroon siya ng mali sa pagdabi nito. Ang mga salitang Supercalifragelisticexpialidocious, Bitch at Shit ang ilan lamang sa salitang ito!... Tawa kami na tawa! Sa Agham, nagkaroon kami ng eksperimento. Una, may "bangayan" kami ni Paul dahil hindi maintindihan ni Paul ang mga aksyon ko kahit na tama na siya... HAHA! Pero mas masaya na nang kami'y gumagawa na ng eksperimento... Sinong may alam na nakakatawa pala ang paghulog ng Iodine sa juice... HAHA! Pagkatapos nito ay Tanghalian at Ingles. Sa Ingles, may 4 akong mali sa Mahabang Pagsusulit! AHHHH!!! HIndi ko pa rin maintindihan kung bakit 3rd Person Omniscient ang sagot gayung ang kwento ay umiikot sa pag-iisip ni Harry! BA NAMAN! Sa Newsday, dahil sa kagalingan ko sa paglilikha ng mga proyekto, kinuha ni Bb. Natonton ang aking proyekto kasama ng ibang mga proyekto ng piling kaklase. Ipapakita at ilalagay niya ito malapit sa mga kaibigan niyang naninigarilyo. Haha! Sa Matematika, wala naman...
Isa na namang araw ng pagtitipon ng mga kasapi ng StageFX... hehe! Kilala niyo si C********... Magaling siya sa M*********... Buwahaha! Well, sa tingin ko, may okay ang ginawa ko ngayon kaysa sa noon. Mas magaling na ako magmura... LOL!! HIndi naman... GALING!... mas magaling lang kaysa sa noon... haha! Dahil hindi ako pinapayagang maglathala ng mga nangyari doon, wala akong ba pang sasabihin! Ang weird lang talaga ng sinalihan kong dula... Homework: isaulo ang aking linya... hahaha!
Dahil tinatamad pa akong gumamit ng kompyuter, nanood na lamang ako ng mga palabas sa ABS-CBN.. HAHA! Una, Deal or No Deal habang kumakain, tapos, Super Inggo. Naobserbahan ko lang na marunong na si Makisig na hindi sumigaw habang nag-aarte... Ngunit napapadala pa rin siya. PAra sa ibang bata, masasabi ko na lang.. Dapat ung SCQ Kids ang ginamit... hindi sila.. HIndi kasi marunong uamrte ung mga batang kasing edad ni Inggo... ung Jack at Jomar... hayy... Hha... Natapos ko din ung Bituin... Hindi ko alam kung bakit ako nanood nito... yee... haha! Sige, kailangan ko nang umalis... BB!
0 reps.:
Post a Comment