The Week in Passing... and Tree-Planting Field Trip
Sigh. Marahil. Marahil lang talaga.
An'dami talagang nangyari noong linggong ito. 'Lam mo, bagamat an'daming mga bagay na nakapagpasaya sa akin, 'di ko pa rin masasabing okay na okay ako.
Bakit? Tila naging pabaya ako... sa pag-aaral, sa responsibilidad, sa aking sarili.
'Di ko alam kung bakit. Pero ganoon lang talaga.
Am'bababa ng mga nakuha kong marka sa mga pagsubok. An'dami kong nakakalimutan. Late-na-late na talaga ako nakakatulog.
Kailangan ko na talagang magbago. *que magbago by kulay*
Siguro makabubuti talaga ang mangyayari bukas.
Pupunta ako ng Caliraya. Tree planting. Makiki-extra sa mga Oikos-Eco Club.
Noong isang taon, pumunta rin ako. Talagang ang saya-saya ko noon.
Pero hindi rin iyon nagtagal.
Bakit ako pumunta noon? Oo required... pero kung hindi dahil sa klase, siguro pumunta ako para makalayo... sa lahat.
May nangyari kasi noong linggong iyon. Ayo'ko nang ikwento't masyadong...
Pero noong panahong iyon, nakalayo ako. Nakatakas mula sa lahat ng problema.
Pero hindi nga nagtagal. Noong bumalik na ako, isa pang mas problema ang aking nagawa. (Siguro naaalala pa ito ng mga nasa FX.)
Sigh. Makalayo nga riyan.
Bakit ako pupunta ngayon? Iba-iba ang rason.
Una... dahil mahal ko ang probinsya, ang kanyang simoy, kakaiba talaga ang pakiramdam kapag wala ka sa syudad. Masaya ang pakiramdam. (Kaya nga, isang araw, bibilhan ko ang aking sarili ng resthouse sa Tagaytay)
Pangalawa... masaya ang makapagtanim ng puno. Para bang may nagawa ka para sa kalikasan. Kahit kaunti lang.
Pangatlo... noong huli kong punta, marami akong nakuhang litrato. Gusto ko muling makakuha ng bagong wallpaper. Haha!
Pang-apat... gusto kong makapaghinga. Makalaya. Makaramdam man lang ng kaligayahan. Sabi ko nga di'ba... ang linggong ito. Kailangan ko lang ng makasigurong buhay pa ako.
Siguro, "refresher" 'to. Para makapagbago. Magbago.
Wala. Nagmumuni-muni lamang.
0 reps.:
Post a Comment