mabait talaga ang mga mababait

Friday, August 10 at 12:20 AM
Brown-Out
Super Stressed!*t: 8.9: 12.23mn
BEWARE! Contagious: MYMP's Versions...

Minalas ba naman ako at biglang nag-brown out habang gumagawa ng Creative Synthesis?
Putres naman talaga.

Siguro yan ang mensahe ng Diyos:
"Hoy! Tama na nga yang YouTube ng Imelda Marcos at piano ng Spring Awakening! Di mo pa nga ako nasusulatan ng talumpati, yan na inaatupag mo!"

Nag-alala pa ako. Di pa ako tapos sa CS, paano na?
Tapos di ko pa naprint ang proposal. Diyoskupo. Hayz. Tapos pag dating sa school, dadada si Babsi. Lam mo naman yun.

Hayz. Naghintay ba naman ako sa dilim?
Ni isang kandila o flashlight, wala! Ba naman tong bahay na toh!Napupudpod na nga ung hinlalaki ko sa kakapindut ng baba para lang umilaw ang cellphone. Susmaryosep.

Hayz. Buti naman nagkailaw na.
Tagagawa ng himala si mommy 'eh. HAHAHA!
Nung biglang tumawag, biglang nagkailaw.
Kaya ngayon, nagmamabilis ng ginagawa ang CS. Hayz.

Gudnayt!

best viewed on http://dewerants.blogspot.com/

0 reps.: